Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 3

اتَّبِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۗ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ 3 ٣

Sumunod kayo sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo! (3)

Tafsīr
Sumunod kayo, O mga tao, sa Aklat na pinababa ng Panginoon ninyo sa inyo at sa Sunnah ng Propeta ninyo. Huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng itinuturing ninyo na mga katangkilik kabilang sa mga demonyo o mga pantas ng kasagwaan. Tumatangkilik kayo sa kanila habang mga nag-iiwan ng pinababa sa inyo alang-alang sa idinidikta ng mga pithaya nila. Tunay na kayo ay kakaunti ang isinasaalaala, yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang hindi ninyo itinanggi higit sa katotohanan ang iba pa rito, at talaga sanang sumunod kayo sa inihatid ng Sugo ninyo, nagsagawa kayo nito, at umiwan kayo ng anumang naiba rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba