Sumunod kayo sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo! Al-A‘rāf 7:3 ⧉
Tafsīr:
Sumunod kayo, O mga tao, sa Aklat na pinababa ng Panginoon ninyo sa inyo at sa Sunnah ng Propeta ninyo. Huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng itinuturing ninyo na mga katangkilik kabilang sa mga demonyo o mga pantas ng kasagwaan. Tumatangkilik kayo sa kanila habang mga nag-iiwan ng pinababa sa inyo alang-alang sa idinidikta ng mga pithaya nila. Tunay na kayo ay kakaunti ang isinasaalaala, yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang hindi ninyo itinanggi higit sa katotohanan ang iba pa rito, at talaga sanang sumunod kayo sa inihatid ng Sugo ninyo, nagsagawa kayo nito, at umiwan kayo ng anumang naiba rito.