Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 4 sa 206 • Tagalog


وَكَمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا فَجَاءَهَا بَأْسُنَا بَيَاتًا أَوْ هُمْ قَائِلُونَ 4
Pagsasalin:
Kay rami ng [makasalanang] pamayanang ipinahamak Namin saka dumating doon ang parusa Namin sa magdamag o habang sila ay mga umiidlip sa hapon, Al-A‘rāf 7:4
Tafsīr:
Anong dami ang mga pamayanang ipinahamak Namin sa pamamagitan ng parusa Namin noong nagpumilit ang mga iyon sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at pagkaligaw ng mga iyon. Bumaba sa mga iyon ang parusa Naming matindi sa sandali ng pagkalingat nila sa gabi o maghapon saka hindi nila nakayang itaboy ang pagdurusa palayo sa mga sarili nila at hindi ito naitaboy palayo sa kanila ng mga diyos nilang inaakala.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 3 Susunod Al-A‘rāf • Talata 5