Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga maninirahan sa Apoy, na [nagsasabi]: “Nakatagpo nga kami sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin bilang totoo, kaya nakatagpo ba kayo sa ipinangako ng Panginoon ninyo bilang totoo?” Magsasabi sila: “Oo.” Kaya magpapahayag ang isang tagapagpahayag sa pagitan nila na ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagalabag sa katarungan, (44)
Tafsīr
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso, na mga mamamalagi roon, sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon, matapos ng pagpasok ng bawat isa sa dalawang pangkat sa tahanan nitong inihanda para rito: "Tunay na kami ay nakipagharap nga sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin na Paraiso, na nagaganap na naisasakatuparan, saka nagpapasok Siya sa amin dito. Kaya nakipagharap ba kayo, O mga tagatangging sumampalataya, sa ibinanta sa inyo ng Panginoon ninyo na Impiyerno, na nagaganap na naisasakatuparan?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Talaga ngang nakatagpo Kami sa ibinanta Niya sa amin na Impiyerno bilang totoo." Kaya may mananawagan na isang tagapanawagang dumadalangin kay Allāh na itaboy ang mga tagalabag sa katarungan mula sa awa Niya sapagkat nagbukas na Siya para sa kanila ng mga pinto ng awa ngunit umayaw pa sila sa mga ito sa buhay na pangmundo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: