Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 44 sa 206 • Tagalog


وَنَادَىٰ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ أَصْحَابَ النَّارِ أَنْ قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدْتُمْ مَا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌ بَيْنَهُمْ أَنْ لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ 44
Pagsasalin:
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga maninirahan sa Apoy, na [nagsasabi]: “Nakatagpo nga kami sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin bilang totoo, kaya nakatagpo ba kayo sa ipinangako ng Panginoon ninyo bilang totoo?” Magsasabi sila: “Oo.” Kaya magpapahayag ang isang tagapagpahayag sa pagitan nila na ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagalabag sa katarungan, Al-A‘rāf 7:44
Tafsīr:
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso, na mga mamamalagi roon, sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon, matapos ng pagpasok ng bawat isa sa dalawang pangkat sa tahanan nitong inihanda para rito: "Tunay na kami ay nakipagharap nga sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin na Paraiso, na nagaganap na naisasakatuparan, saka nagpapasok Siya sa amin dito. Kaya nakipagharap ba kayo, O mga tagatangging sumampalataya, sa ibinanta sa inyo ng Panginoon ninyo na Impiyerno, na nagaganap na naisasakatuparan?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Talaga ngang nakatagpo Kami sa ibinanta Niya sa amin na Impiyerno bilang totoo." Kaya may mananawagan na isang tagapanawagang dumadalangin kay Allāh na itaboy ang mga tagalabag sa katarungan mula sa awa Niya sapagkat nagbukas na Siya para sa kanila ng mga pinto ng awa ngunit umayaw pa sila sa mga ito sa buhay na pangmundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 43 Susunod Al-A‘rāf • Talata 45