ang mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad dito ng isang kabaluktutan samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.” Al-A‘rāf 7:45 ⧉
Tafsīr:
Itong mga tagalabag sa katarungan ay ang dating mga umaayaw sa landas ni Allāh sa mga sarili nila, nag-uudyok sa iba pa sa kanila sa pag-ayaw roon, at umaasa na ang landas ng katotohanan ay maging baluktot upang hindi tumahak dito ang mga tao samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya na mga hindi nakahanda para roon.