Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 51

الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ 51 ٥١

na mga gumawa sa relihiyon nila bilang libingan at laro, at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo.” Kaya ngayong Araw lilimot Kami sa kanila kung paanong lumimot sila sa pakikipagkita sa Araw nilang ito at sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila. (51)

Tafsīr
Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang biro at walang-kapararakan. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga gayak nito at pang-akit nito. Kaya sa Araw ng Pagbangon ay kakalimutan sila ni Allāh at iiwan Niya silang dumaranas ng pagdurusa gaya ng paglimot nila sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon kaya naman hindi sila gumawa para rito at hindi sila naghanda, at dahil sa pagkakaila nila sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya at pagmamasama nila sa mga ito sa kabila ng kaalaman nila na ang mga ito ay totoo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba