Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 51 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 51 sa 206 • Tagalog


الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ 51
Pagsasalin:
na mga gumawa sa relihiyon nila bilang libingan at laro, at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo.” Kaya ngayong Araw lilimot Kami sa kanila kung paanong lumimot sila sa pakikipagkita sa Araw nilang ito at sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila. Al-A‘rāf 7:51
Tafsīr:
Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang biro at walang-kapararakan. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga gayak nito at pang-akit nito. Kaya sa Araw ng Pagbangon ay kakalimutan sila ni Allāh at iiwan Niya silang dumaranas ng pagdurusa gaya ng paglimot nila sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon kaya naman hindi sila gumawa para rito at hindi sila naghanda, at dahil sa pagkakaila nila sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya at pagmamasama nila sa mga ito sa kabila ng kaalaman nila na ang mga ito ay totoo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 50 Susunod Al-A‘rāf • Talata 52