Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 52 sa 206 • Tagalog


وَلَقَدْ جِئْنَاهُمْ بِكِتَابٍ فَصَّلْنَاهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 52
Pagsasalin:
Talaga ngang naghatid Kami sa kanila ng isang aklat na dinetalye Namin ayon sa kaalaman bilang patnubay at awa para sa mga taong sumasampalataya [sa katotohanan]. Al-A‘rāf 7:52
Tafsīr:
Talaga ngang naghatid Kami sa kanila ng Qur'ān na ito na isang kasulatan na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Naglinaw nga Kami rito, ayon sa kaalaman mula sa Amin, ng anumang pinalilinaw Namin. Ito ay isang tagapatnubay para sa mga mananampalataya tungo sa daan ng pagkagabay at katotohanan, at isang awa sa kanila dahil sa taglay nito na kagabayan sa kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 51 Susunod Al-A‘rāf • Talata 53