Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. (54)
Tafsīr
Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, na hindi tayo nakatatalos sa pamamaraan nito. Nag-aalis Siya ng dilim ng gabi sa pamamagitan ng tanglaw ng maghapon at [nag-aalis] ng tanglaw ng maghapon sa pamamagitan ng dilim ng gabi. Ang bawat isa sa dalawang ito ay humahabol sa isa pa, sa isang mabilis na paghabol yayamang hindi nagpapahuli. Kaya kapag umalis itong isa ay pumapasok yaong isa. Nilikha Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw, ang buwan, at ang mga bituin bilang mga sunud-sunuran at mga nakalaan. Pansinin, sa kay Allāh lamang ang paglikha sa kabuuan nito sapagkat sino ang Tagapaglikhang iba pa sa Kanya at sa Kanya ang pag-uutos – tanging sa Kanya. Sumidhi ang kabutihan Niya at dumami ang paggawa Niya ng maganda sapagkat Siya ay ang nailalarawan sa mga katangian ng pagkapinagpipitaganan at kalubusan, ang Panginoon ng mga nilalang.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: