Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 63)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 63

أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ 63 ٦٣

Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala siya sa inyo, upang mangilag kayong magkasala, at nang sa gayon kayo ay kaaawaan?” (63)

Tafsīr
Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang kasi at isang pangaral mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa inyo na nakikilala ninyo sapagkat lumaki siya sa inyo at hindi siya naging isang palasinungaling ni ligaw ni kabilang sa ibang lahi? Dumating siya sa inyo upang magpangamba sa inyo sa parusa ni Allāh kung nagpasinungaling kayo at sumuway kayo, at upang mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa pag-asang kaawaan kayo kung sumampalataya kayo sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba