Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala siya sa inyo, upang mangilag kayong magkasala, at nang sa gayon kayo ay kaaawaan?” Al-A‘rāf 7:63 ⧉
Tafsīr:
Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang kasi at isang pangaral mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa inyo na nakikilala ninyo sapagkat lumaki siya sa inyo at hindi siya naging isang palasinungaling ni ligaw ni kabilang sa ibang lahi? Dumating siya sa inyo upang magpangamba sa inyo sa parusa ni Allāh kung nagpasinungaling kayo at sumuway kayo, at upang mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa pag-asang kaawaan kayo kung sumampalataya kayo sa Kanya.