Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya sa daong at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga taong bulag. Al-A‘rāf 7:64 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at hindi sumampalataya sa kanya, bagkus nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila, kaya dumalangin siya laban sa kanila na magpahamak sa kanila si Allāh. Pinaligtas siya ni Allāh at pinaligtas Niya sa pagkalunod ang mga kasama sa kanya sa daong kabilang sa mga mananampalataya. Nagpahamak naman si Allāh sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Niya at nagpatuloy sa pagpapasinungaling nila sa pamamagitan ng pagkalunod at pagkagunaw na pinababa bilang parusa sa kanila. Tunay na ang mga puso nila noon ay mga bulag sa katotohanan.