Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 65 sa 206 • Tagalog


وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ 65
Pagsasalin:
[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?” Al-A‘rāf 7:65
Tafsīr:
Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 64 Susunod Al-A‘rāf • Talata 66