Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang kahunghangan at tunay na kami ay nakatitiyak sa iyo na kabilang sa mga sinungaling.” Al-A‘rāf 7:66 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pinapanginoon kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya: "Tunay na kami ay talagang nakaaalam na ikaw, O Hūd, ay nasa isang kahinaan ng isip at isang katunggakan nang nag-aanyaya ka sa amin sa pagsamba kay Allāh lamang at sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito. Tunay na kami ay talagang naniniwala nang kumbinsido na ikaw ay kabilang sa mga sinungaling kaugnay sa inaangkin mo na ikaw ay isang isinugo."