Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 62 sa 206 • Tagalog


أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنْصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 62
Pagsasalin:
Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, nagpapayo ako sa inyo, at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman. Al-A‘rāf 7:62
Tafsīr:
Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin ni Allāh sa inyo mula sa ikinasi Niya sa akin. Nagnanais ako para sa inyo ng kabutihan sa pamamagitan ng pagpapaibig sa inyo sa pagsunod sa utos ni Allāh at anumang ibinubunga nito na gantimpala, at pagpapangilabot sa inyo laban sa paggawa ng mga sinasaway Niya at anumang ibinubunga nito na parusa. Nakaaalam ako mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng hindi ninyo nalalaman mula sa itinuro Niya sa akin sa paraan ng pagkakasi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 61 Susunod Al-A‘rāf • Talata 63