Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala sa inyo [ng parusa ni Allāh]? Alalahanin ninyo noong nagtalaga Siya sa inyo bilang kahalili matapos na ng mga tao ni Noe at nagdagdag Siya sa inyo ng kalakasan sa pangangatawan. Kaya alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Panginoon ninyo, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (69)
Tafsīr
Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang pagpapaalaala mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo, hindi kabilang sa lahi ng mga anghel o mga jinn, upang magbabala sa inyo? Purihin ninyo ang Panginoon ninyo at pasalamatan ninyo Siya dahil nagpatatag Siya sa inyo sa lupa at gumawa Siya sa inyo na humalili sa mga tao ni Noe, na ipinahamak Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Magpasalamat kayo kay Allāh na nagtangi sa inyo sa laki ng mga katawan, lakas, at tindi ng bagsik. Alalahanin ninyo ang mga malawak na biyaya ni Allāh sa inyo, sa pag-asang magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: