Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 71)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 71

قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ 71 ٧١

Nagsabi siya: “May bumagsak nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang kasalaulaan at isang galit. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga naghihintay.” (71)

Tafsīr
Kaya tumugon sa kanila si Hūd, na nagsasabi: "Talaga ngang nangailangan kayo ng parusa ni Allāh at galit Niya sapagkat ito ay magaganap sa inyo nang walang pagkaiwas. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga anitong pinangalanan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo bilang mga diyos gayong walang katotohanan sa mga ito? Hindi nagbaba si Allāh ng isang katwirang maipangangatwiran ninyo sa inaangkin ninyo para sa mga ito na pagkadiyos. Kaya maghintay kayo ng hiniling ninyo na madaliin para sa inyo na pagdurusa, at ako ay kasama ninyo kabilang sa mga naghihintay sapagkat ito ay magaganap."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba