Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 71 sa 206 • Tagalog


قَالَ قَدْ وَقَعَ عَلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ رِجْسٌ وَغَضَبٌ ۖ أَتُجَادِلُونَنِي فِي أَسْمَاءٍ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا نَزَّلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ 71
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “May bumagsak nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang kasalaulaan at isang galit. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga naghihintay.” Al-A‘rāf 7:71
Tafsīr:
Kaya tumugon sa kanila si Hūd, na nagsasabi: "Talaga ngang nangailangan kayo ng parusa ni Allāh at galit Niya sapagkat ito ay magaganap sa inyo nang walang pagkaiwas. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga anitong pinangalanan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo bilang mga diyos gayong walang katotohanan sa mga ito? Hindi nagbaba si Allāh ng isang katwirang maipangangatwiran ninyo sa inaangkin ninyo para sa mga ito na pagkadiyos. Kaya maghintay kayo ng hiniling ninyo na madaliin para sa inyo na pagdurusa, at ako ay kasama ninyo kabilang sa mga naghihintay sapagkat ito ay magaganap."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 70 Susunod Al-A‘rāf • Talata 72