Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa Amin upang sumamba kami kay Allāh lamang at umiwan Kami sa anumang dating sinasamba ng mga magulang namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.” Al-A‘rāf 7:70 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga kalipi niya sa kanya: "Dumating ka ba sa amin, O Hūd, upang mag-utos ka sa amin ng pagsamba kay Allāh lamang at upang mag-iwan kami ng anumang dating sinasamba ng mga ninuno namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."