Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Alalahanin ninyo noong gumawa Siya sa inyo na mga kahalili matapos na ng [liping] `Ād at nagpatahan Siya sa inyo sa lupain. Gumagawa kayo mula sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga bundok na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.” (74)
Tafsīr
Magsaalaala kayo ng biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo na humahalili sa lipi ng `Ād at nagpatuloy Siya sa inyo sa lupain ninyo, na nagtatamasa kayo rito at nagtatamo kayo ng mga hinihiling ninyo. Iyon ay nang matapos ng pagpapahamak sa [lipi ng] `Ād matapos ng paggigiit nila sa kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. Nagpapatayo kayo sa mga kapatagan ng lupa ng mga palasyo at tumatapyas kayo ng mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa inyo. Kaya mag-alaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa Kanya dahil sa mga iyon at tumigil kayo sa pagpupunyagi ng kaguluhan sa lupa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtigil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtigil sa mga pagsuway.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: