Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 74 sa 206 • Tagalog


وَاذْكُرُوا إِذْ جَعَلَكُمْ خُلَفَاءَ مِنْ بَعْدِ عَادٍ وَبَوَّأَكُمْ فِي الْأَرْضِ تَتَّخِذُونَ مِنْ سُهُولِهَا قُصُورًا وَتَنْحِتُونَ الْجِبَالَ بُيُوتًا ۖ فَاذْكُرُوا آلَاءَ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ 74
Pagsasalin:
Alalahanin ninyo noong gumawa Siya sa inyo na mga kahalili matapos na ng [liping] `Ād at nagpatahan Siya sa inyo sa lupain. Gumagawa kayo mula sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga bundok na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.” Al-A‘rāf 7:74
Tafsīr:
Magsaalaala kayo ng biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo na humahalili sa lipi ng `Ād at nagpatuloy Siya sa inyo sa lupain ninyo, na nagtatamasa kayo rito at nagtatamo kayo ng mga hinihiling ninyo. Iyon ay nang matapos ng pagpapahamak sa [lipi ng] `Ād matapos ng paggigiit nila sa kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. Nagpapatayo kayo sa mga kapatagan ng lupa ng mga palasyo at tumatapyas kayo ng mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa inyo. Kaya mag-alaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa Kanya dahil sa mga iyon at tumigil kayo sa pagpupunyagi ng kaguluhan sa lupa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtigil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtigil sa mga pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 73 Susunod Al-A‘rāf • Talata 75