Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina – sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila: “Nakaaalam ba kayo na si Ṣāliḥ ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?” Nagsabi ang mga ito: “Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya.” Al-A‘rāf 7:75 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga pinapanginoon at ang mga pangulo – kabilang sa mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya – sa mga mananampalataya – kabilang sa mga kalipi niya na mga minamahina: "Nakaaalam ba kayo, O mga mananampalataya, na si Ṣāliḥ ay isang sugo ni Allāh sa totoo?" Kaya sumagot sa kanila ang mga mananampalatayang minamahina: "Tunay na kami sa ipinasugo kay Ṣāliḥ sa amin ay mga naniniwala, mga kumikilala, at mga nagpapaakay, at sa batas Niya mga nagsasagawa."