Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 75

قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِمَنْ آمَنَ مِنْهُمْ أَتَعْلَمُونَ أَنَّ صَالِحًا مُرْسَلٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلَ بِهِ مُؤْمِنُونَ 75 ٧٥

Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina – sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila: “Nakaaalam ba kayo na si Ṣāliḥ ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?” Nagsabi ang mga ito: “Tunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya.” (75)

Tafsīr
Nagsabi ang mga pinapanginoon at ang mga pangulo – kabilang sa mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya – sa mga mananampalataya – kabilang sa mga kalipi niya na mga minamahina: "Nakaaalam ba kayo, O mga mananampalataya, na si Ṣāliḥ ay isang sugo ni Allāh sa totoo?" Kaya sumagot sa kanila ang mga mananampalatayang minamahina: "Tunay na kami sa ipinasugo kay Ṣāliḥ sa amin ay mga naniniwala, mga kumikilala, at mga nagpapaakay, at sa batas Niya mga nagsasagawa."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba