Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi kayo umiibig sa mga tagapagpayo.” (79)
Tafsīr
Kaya umayaw si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kalipi niya matapos ng kawalan ng pag-asa sa pagtugon nila. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagparating ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo habang nagpapagusto sa inyo at nagpapahilakbot, subalit kayo ay mga taong hindi umiibig sa mga tagapayong masigasig sa paggabay sa inyo sa kabutihan at pagpapalayo sa inyo sa kasamaan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: