Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong umupo sa bawat landasin, na nagbabanta kayo at sumasagabal kayo sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo dati ay kakaunti, pinarami Niya kayo. Tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali [bago ninyo]. (86)
Tafsīr
Huwag kayong umupo sa bawat daan, habang nagbabanta kayo sa mga taong tumatahak dito upang mandambong kayo ng mga ari-arian nila, at habang bumabalakid kayo sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang nagnais ng pagkapatnubay, samantalang mga humihiling na ang landas ni Allāh ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao. Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa kanya sapagkat noon ang bilang ninyo ay kakaunti ngunit pinarami Niya kayo. Magnilay-nilay kayo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa noong bago ninyo sapagkat tunay na ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang pagkawasak.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: