Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 86 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 86 sa 206 • Tagalog


وَلَا تَقْعُدُوا بِكُلِّ صِرَاطٍ تُوعِدُونَ وَتَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِهِ وَتَبْغُونَهَا عِوَجًا ۚ وَاذْكُرُوا إِذْ كُنْتُمْ قَلِيلًا فَكَثَّرَكُمْ ۖ وَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ 86
Pagsasalin:
Huwag kayong umupo sa bawat landasin, na nagbabanta kayo at sumasagabal kayo sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo dati ay kakaunti, pinarami Niya kayo. Tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali [bago ninyo]. Al-A‘rāf 7:86
Tafsīr:
Huwag kayong umupo sa bawat daan, habang nagbabanta kayo sa mga taong tumatahak dito upang mandambong kayo ng mga ari-arian nila, at habang bumabalakid kayo sa Relihiyon ni Allāh sa sinumang nagnais ng pagkapatnubay, samantalang mga humihiling na ang landas ni Allāh ay maging baluktot upang hindi ito tahakin ng mga tao. Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo upang magpasalamat kayo sa kanya sapagkat noon ang bilang ninyo ay kakaunti ngunit pinarami Niya kayo. Magnilay-nilay kayo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa noong bago ninyo sapagkat tunay na ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang pagkawasak.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 85 Susunod Al-A‘rāf • Talata 87