Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 85 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 85 sa 206 • Tagalog


وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 85
Pagsasalin:
[Nagsugo sa mga mamamayan ng] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Al-A‘rāf 7:85
Tafsīr:
Talaga ngang nagsugo si Allāh sa lipi ng Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagsabi ito sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang walang ukol sa inyo na isang sinasamba, na nagiging karapat-dapat sa pagsamba, na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na patotoo mula kay Allāh at isang hayag na patunay sa katapatan ng inihatid ko sa inyo mula sa Panginoon ko. Gampanan ninyo sa mga tao ang mga karapatan nila sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pagtatakal at pagkumpleto sa pagtitimbang. Huwag kayong bumawas sa mga tao dahil sa kapintasan ng mga paninda sa kanila at pagpapakaunti sa mga ito, o pandaraya sa mga mamimili ng mga ito. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway matapos ng pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga propeta noon. Ang nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang, kung kayo ay mga mananampalataya, dahil sa nakasaad doon na pag-iwan sa mga pagsuway bilang pag-iwas sa sinasaway ni Allāh at dahil sa nakasaad doon na pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa anumang ipinag-utos Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 84 Susunod Al-A‘rāf • Talata 86