Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 84 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 84 sa 206 • Tagalog


وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ 84
Pagsasalin:
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan [ng mga bato], kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin. Al-A‘rāf 7:84
Tafsīr:
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang mabigat na ulan yayamang pumukol Kami sa kanila ng mga batong yari sa putik. Binaliktad Namin ang pamayanan saka ginawa Namin ang mataas nito na mababa nito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga kababayan ni Lot na mga salarin. Ang kinahinatnan nila ay ang kapahamakan at ang kahihiyang namamalagi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 83 Susunod Al-A‘rāf • Talata 85