Kung may isang pangkatin kabilang sa inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may isang pangkating hindi sumampalataya, magtiis kayo hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan natin. Siya ay ang pinakamainam sa mga tagahatol.” Al-A‘rāf 7:87 ⧉
Tafsīr:
Kung may isang lipon kabilang sa inyo na sumampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko at may iba pang lipon na hindi sumampalataya roon, maghintay kayo, o mga tagapagpasinungaling, sa ipapasya ni Allāh sa pagitan ninyo. Siya ay pinakamainam na nagpapasya at pinakamakatarungan na humuhusga.