Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya?” (93)
Tafsīr
Kaya umayaw sa kanila ang propeta nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong napahamak sila at nagsabi habang nakikipag-usap sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo ngunit hindi kayo tumanggap sa pagpapayo ko at hindi kayo nagpaakay sa paggagabay ko, kaya papaano akong malulungkot sa mga taong tagatangging sumampalataya kay Allāh habang mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: