Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 93 sa 206 • Tagalog


فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ ۖ فَكَيْفَ آسَىٰ عَلَىٰ قَوْمٍ كَافِرِينَ 93
Pagsasalin:
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya?” Al-A‘rāf 7:93
Tafsīr:
Kaya umayaw sa kanila ang propeta nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong napahamak sila at nagsabi habang nakikipag-usap sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo ngunit hindi kayo tumanggap sa pagpapayo ko at hindi kayo nagpaakay sa paggagabay ko, kaya papaano akong malulungkot sa mga taong tagatangging sumampalataya kay Allāh habang mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 92 Susunod Al-A‘rāf • Talata 94