Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang propeta [sa pinasinungalingan] malibang nagpataw Kami sa mga mamamayan nito ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba. Al-A‘rāf 7:94 ⧉
Tafsīr:
Hindi nagsugo sa isa sa mga pamayanan ng isa sa mga propeta ni Allāh, saka nagpasinungaling ang mga mamayan nito at tumanggi silang sumampalataya, malibang nagpataw Siya sa kanila ng kahirapan, karalitaan, at karamdaman, sa pag-asang magpakaaba sila sa Kanya para umiwan sila sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagmamalaki. Ito ay pagbibigay-babala sa Quraysh at sa bawat sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling, sa pamamagitan ng pagbanggit sa kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang tagapasinungaling.