Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 95 sa 206 • Tagalog


ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوْا وَقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ 95
Pagsasalin:
Pagkatapos nagpalit Kami sa lugar ng masagwang lagay ng magandang lagay hanggang sa lumago sila at nagsabi: “Sumaling nga sa mga magulang namin ang kariwaraan at ang kariwasaan.” Kaya dumaklot Kami sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam. Al-A‘rāf 7:95
Tafsīr:
Pagkatapos nagpalit Kami [sa lagay nila] matapos ng pagpataw ng karalitaan at karamdaman, ng kabutihan, kasaganaan, at katiwasayan hanggang sa dumami ang mga bilang nila at lumago ang mga yaman nila. Nagsabi sila: "Ang tumama sa amin na kasamaan at kabutihan ay pangkalahatang nakaugaliang tumama sa mga ninuno namin noon." Hindi sila nakatalos na ang tumama sa kanila na mga salot ay ninanais rito ang pagsasaalang-alang at ang tumama sa kanila na mga biyaya ay ninanais rito ang panghahalina. Kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla habang sila ay hindi nakararamdam ng parusa at hindi nag-aabang nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 94 Susunod Al-A‘rāf • Talata 96