Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 94)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 94

وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ 94 ٩٤

Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang propeta [sa pinasinungalingan] malibang nagpataw Kami sa mga mamamayan nito ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba. (94)

Tafsīr
Hindi nagsugo sa isa sa mga pamayanan ng isa sa mga propeta ni Allāh, saka nagpasinungaling ang mga mamayan nito at tumanggi silang sumampalataya, malibang nagpataw Siya sa kanila ng kahirapan, karalitaan, at karamdaman, sa pag-asang magpakaaba sila sa Kanya para umiwan sila sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagmamalaki. Ito ay pagbibigay-babala sa Quraysh at sa bawat sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling, sa pamamagitan ng pagbanggit sa kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang tagapasinungaling.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba