Surah Al-Ma‘ārij (Ang mga Hagdan Paakyat) — سُورَةُ المعارج
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
سَأَلَ سَائِلٌ بِعَذَابٍ وَاقِعٍ i
Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap. (1)
لِلْكَافِرِينَ لَيْسَ لَهُ دَافِعٌ i
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang (2)
مِنَ اللَّهِ ذِي الْمَعَارِجِ i
laban kay Allāh na may mga pampanik. (3)
تَعْرُجُ الْمَلَائِكَةُ وَالرُّوحُ إِلَيْهِ فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ خَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ i
Papanik ang mga anghel at ang Espiritu sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon. (4)
فَاصْبِرْ صَبْرًا جَمِيلًا i
Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag. (5)
إِنَّهُمْ يَرَوْنَهُ بَعِيدًا i
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo (6)
وَنَرَاهُ قَرِيبًا i
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit, (7)
يَوْمَ تَكُونُ السَّمَاءُ كَالْمُهْلِ i
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis, (8)
وَتَكُونُ الْجِبَالُ كَالْعِهْنِ i
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana, (9)
وَلَا يَسْأَلُ حَمِيمٌ حَمِيمًا i
at walang magtatanong na isang kaanak sa isang kaanak, (10)
يُبَصَّرُونَهُمْ ۚ يَوَدُّ الْمُجْرِمُ لَوْ يَفْتَدِي مِنْ عَذَابِ يَوْمِئِذٍ بِبَنِيهِ i
[bagamat] magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya, (11)
وَصَاحِبَتِهِ وَأَخِيهِ i
at ng asawa niya at kapatid niya, (12)
وَفَصِيلَتِهِ الَّتِي تُؤْوِيهِ i
at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya, (13)
وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ يُنْجِيهِ i
at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya. (14)
كَلَّا ۖ إِنَّهَا لَظَىٰ i
Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab, (15)
نَزَّاعَةً لِلشَّوَىٰ i
na isang palatuklap ng anit, (16)
تَدْعُو مَنْ أَدْبَرَ وَتَوَلَّىٰ i
na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo, (17)
وَجَمَعَ فَأَوْعَىٰ i
at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito. (18)
إِنَّ الْإِنْسَانَ خُلِقَ هَلُوعًا i
Tunay na ang tao ay nilikha na ganid: (19)
إِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ جَزُوعًا i
kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig (20)
وَإِذَا مَسَّهُ الْخَيْرُ مَنُوعًا i
at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait, (21)
إِلَّا الْمُصَلِّينَ i
maliban sa mga nagdarasal, (22)
الَّذِينَ هُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ دَائِمُونَ i
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian, (23)
وَالَّذِينَ فِي أَمْوَالِهِمْ حَقٌّ مَعْلُومٌ i
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman (24)
لِلسَّائِلِ وَالْمَحْرُومِ i
para sa nanghihingi at napagkaitan, (25)
وَالَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوْمِ الدِّينِ i
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagtutumbas, (26)
وَالَّذِينَ هُمْ مِنْ عَذَابِ رَبِّهِمْ مُشْفِقُونَ i
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag (27)
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمْ غَيْرُ مَأْمُونٍ i
– tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay – (28)
وَالَّذِينَ هُمْ لِفُرُوجِهِمْ حَافِظُونَ i
at na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat, (29)
إِلَّا عَلَىٰ أَزْوَاجِهِمْ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَإِنَّهُمْ غَيْرُ مَلُومِينَ i
maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila [ayon sa batas] sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi (30)
فَمَنِ ابْتَغَىٰ وَرَاءَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْعَادُونَ i
– ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag – (31)
وَالَّذِينَ هُمْ لِأَمَانَاتِهِمْ وَعَهْدِهِمْ رَاعُونَ i
at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat, (32)
وَالَّذِينَ هُمْ بِشَهَادَاتِهِمْ قَائِمُونَ i
at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan, (33)
وَالَّذِينَ هُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ يُحَافِظُونَ i
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga, (34)
أُولَٰئِكَ فِي جَنَّاتٍ مُكْرَمُونَ i
ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan. (35)
فَمَالِ الَّذِينَ كَفَرُوا قِبَلَكَ مُهْطِعِينَ i
Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali (36)
عَنِ الْيَمِينِ وَعَنِ الشِّمَالِ عِزِينَ i
sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan? (37)
أَيَطْمَعُ كُلُّ امْرِئٍ مِنْهُمْ أَنْ يُدْخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٍ i
Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan? (38)
كَلَّا ۖ إِنَّا خَلَقْنَاهُمْ مِمَّا يَعْلَمُونَ i
Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila. (39)
فَلَا أُقْسِمُ بِرَبِّ الْمَشَارِقِ وَالْمَغَارِبِ إِنَّا لَقَادِرُونَ i
Kaya talagang sumusumpa Ako sa [sarili Ko bilang] Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan, tunay na Kami ay talagang Nakakakaya (40)
عَلَىٰ أَنْ نُبَدِّلَ خَيْرًا مِنْهُمْ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ i
na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan.” (41)
فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ i
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila (42)
يَوْمَ يَخْرُجُونَ مِنَ الْأَجْدَاثِ سِرَاعًا كَأَنَّهُمْ إِلَىٰ نُصُبٍ يُوفِضُونَ i
sa araw na lalabas sila mula sa mga puntod nang matutulin na para bang sila tungo sa mga dambana ay nagmamadali. (43)
خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۚ ذَٰلِكَ الْيَوْمُ الَّذِي كَانُوا يُوعَدُونَ i
Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila. (44)