Surah Nūḥ (Noe — نوح) (Talata 4)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




71 Nūḥ(نوح), Talata 4

يَغْفِرْ لَكُمْ مِنْ ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرْكُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ إِنَّ أَجَلَ اللَّهِ إِذَا جَاءَ لَا يُؤَخَّرُ ۖ لَوْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 4 ٤

magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.” (4)

Tafsīr
Tunay na kayo, kung gagawa kayo niyon, ay magpapatawad si Allāh sa inyo mula sa mga pagkakasala ninyo na hindi nauugnay sa mga karapatan ng mga tao, at magpapahaba Siya sa yugto ng kalipunan ninyo sa buhay hanggang sa isang panahon na natakdaan sa kaalaman ni Allāh. Lalaganap kayo sa lupa hanggat nagpakatatag kayo roon. Tunay na ang kamatayan, kapag dumating, ay hindi inaantala. Kung sakaling kayo ay nakaaalam ay talaga sanang nagdali-dali kayo sa pagsampalataya kay Allāh at pagbabalik-loob mula sa taglay ninyo na pagtatambal at pagkaligaw."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba