Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki. (7)
Tafsīr
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila tungo sa may kadahilanan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala nila gaya ng pagsamba sa Iyo lamang, pagtalima sa iyo, at pagtalima sa Sugo Mo ay nagbabara sila ng mga tainga nila sa pamamagitan ng mga daliri nila upang humadlang sila sa mga ito sa pagdinig sa paanyaya Ko at nagtatakip sila sa mga mukha nila ng mga kasuutan nila upang hindi sila makakita sa akin. Nagpapatuloy sila sa taglay nila na shirk. Nagpakamalaki sila sa pag-ayaw sa pagtanggap sa inaanyaya Ko sa kanila at sa pagpapasailalim dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: