Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 11

إِذْ يُغَشِّيكُمُ النُّعَاسَ أَمَنَةً مِنْهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيْكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً لِيُطَهِّرَكُمْ بِهِ وَيُذْهِبَ عَنْكُمْ رِجْزَ الشَّيْطَانِ وَلِيَرْبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ وَيُثَبِّتَ بِهِ الْأَقْدَامَ 11 ١١

[Banggitin] noong bumabalot Siya sa inyo ng pagkaantok bilang katiwasayan mula sa Kanya at nagbababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay Siya sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis Siya sa inyo ng udyok ng demonyo at upang magpatibay Siya sa mga puso at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa. (11)

Tafsīr
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong nagpupukol si Allāh ng pagkaantok sa inyo bilang katiwasayan mula sa nangyari sa inyo na pangamba sa kaaway ninyo, at nagbababa Siya sa inyo ng ulan mula sa langit upang magdalisay Siya sa inyo mula sa mga karumihan at mag-alis Siya sa inyo ng mga sulsol ng demonyo, upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga puso ninyo dahil sa pagpapakatatag ng mga katawan ninyo sa sandali ng pakikipagkita [sa kaaway], at upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga paa sa pamamagitan ng pagsisiksik sa lupang mabuhangin upang hindi lumubog dito ang mga paa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba