Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 16

وَمَنْ يُوَلِّهِمْ يَوْمَئِذٍ دُبُرَهُ إِلَّا مُتَحَرِّفًا لِقِتَالٍ أَوْ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٍ فَقَدْ بَاءَ بِغَضَبٍ مِنَ اللَّهِ وَمَأْوَاهُ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ 16 ١٦

Ang sinumang magbabaling sa kanila sa araw na iyon ng likod niya – malibang gumigilid para sa pakikipaglaban o sumasama sa isang hukbo – ay bumalik nga kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Ang kanlungan niya ay ang Apoy. Kay saklap ang kahahantungan! (16)

Tafsīr
Ang sinumang magbabaling sa kanila ng likod niya habang tumatakas mula sa kanila – malibang lumilihis para sa pakikipagliban sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng pagtakas bilang pakana mula sa kanya gayong siya ay nagnanais ng pagbalik sa kanila, o malibang sumasama sa isang pangkat ng mga Muslim na nakadalo na magpapasaklolo siya rito – ay bumalik nga kalakip ng galit mula kay Allāh at naging karapat-dapat dito. Ang pananatilihan niya sa Kabilang-buhay ay Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan bilang kahahantungan niya at kay saklap ang kauuwian bilang kauuwian niya!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba