Ang sinumang magbabaling sa kanila sa araw na iyon ng likod niya – malibang gumigilid para sa pakikipaglaban o sumasama sa isang hukbo – ay bumalik nga kalakip ng isang galit mula kay Allāh. Ang kanlungan niya ay ang Apoy. Kay saklap ang kahahantungan! Al-Anfāl 8:16 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang magbabaling sa kanila ng likod niya habang tumatakas mula sa kanila – malibang lumilihis para sa pakikipagliban sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng pagtakas bilang pakana mula sa kanya gayong siya ay nagnanais ng pagbalik sa kanila, o malibang sumasama sa isang pangkat ng mga Muslim na nakadalo na magpapasaklolo siya rito – ay bumalik nga kalakip ng galit mula kay Allāh at naging karapat-dapat dito. Ang pananatilihan niya sa Kabilang-buhay ay Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan bilang kahahantungan niya at kay saklap ang kauuwian bilang kauuwian niya!