Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 17 sa 75 • Tagalog


فَلَمْ تَقْتُلُوهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ قَتَلَهُمْ ۚ وَمَا رَمَيْتَ إِذْ رَمَيْتَ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ رَمَىٰ ۚ وَلِيُبْلِيَ الْمُؤْمِنِينَ مِنْهُ بَلَاءً حَسَنًا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 17
Pagsasalin:
Kaya hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si Allāh ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si Allāh ay bumato at upang sumubok Siya sa mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. Al-Anfāl 8:17
Tafsīr:
Kay hindi kayo pumatay, O mga mananampalataya, sa Araw ng Badr sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo at lakas ninyo, subalit si Allāh ay tumulong sa inyo roon. Hindi ka bumato, O Propeta, sa mga tagapagtambal nang bumato ka sa kanila, subalit si Allāh ay ang bumato sa kanila nang nagparating ka sa kanila ng pagbato mo sa kanila at upang sumulit Siya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa kanila na pagpapangibabaw sa kanila laban sa kaaway nila, sa kabila ng taglay nila na kakauntian ng bilang at kasangkapan, upang magpasalamat sila sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa panalangin ninyo at mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo at anumang naroon ang kapakanan ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 16 Susunod Al-Anfāl • Talata 18