Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 17)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si Allāh ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si Allāh ay bumato at upang sumubok Siya sa mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. (17)
Tafsīr
Kay hindi kayo pumatay, O mga mananampalataya, sa Araw ng Badr sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo at lakas ninyo, subalit si Allāh ay tumulong sa inyo roon. Hindi ka bumato, O Propeta, sa mga tagapagtambal nang bumato ka sa kanila, subalit si Allāh ay ang bumato sa kanila nang nagparating ka sa kanila ng pagbato mo sa kanila at upang sumulit Siya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa kanila na pagpapangibabaw sa kanila laban sa kaaway nila, sa kabila ng taglay nila na kakauntian ng bilang at kasangkapan, upang magpasalamat sila sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa panalangin ninyo at mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo at anumang naroon ang kapakanan ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: