Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 33

وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ وَأَنْتَ فِيهِمْ ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ مُعَذِّبَهُمْ وَهُمْ يَسْتَغْفِرُونَ 33 ٣٣

Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kanila habang ikaw ay nasa kanila. Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng tawad. (33)

Tafsīr
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kalipunan mo – maging sila man ay kabilang sa kalipunan ng pagtugon o kabilang sa kalipunan ng pag-aanyaya – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pupuksa sa kanila habang ikaw, O Muḥammad, ay buhay na naririyan sa gitna nila sapagkat ang kairalan mo sa gitna nila ay isang kaligtasan para sa kanila mula sa pagdurusa. Hindi nangyaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba