Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 33 sa 75 • Tagalog


وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ وَأَنْتَ فِيهِمْ ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ مُعَذِّبَهُمْ وَهُمْ يَسْتَغْفِرُونَ 33
Pagsasalin:
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kanila habang ikaw ay nasa kanila. Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng tawad. Al-Anfāl 8:33
Tafsīr:
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kalipunan mo – maging sila man ay kabilang sa kalipunan ng pagtugon o kabilang sa kalipunan ng pag-aanyaya – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pupuksa sa kanila habang ikaw, O Muḥammad, ay buhay na naririyan sa gitna nila sapagkat ang kairalan mo sa gitna nila ay isang kaligtasan para sa kanila mula sa pagdurusa. Hindi nangyaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 32 Susunod Al-Anfāl • Talata 34