Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 34 sa 75 • Tagalog


وَمَا لَهُمْ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ اللَّهُ وَهُمْ يَصُدُّونَ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَمَا كَانُوا أَوْلِيَاءَهُ ۚ إِنْ أَوْلِيَاؤُهُ إِلَّا الْمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 34
Pagsasalin:
Ano ang mayroon sa kanila na hindi magparusa sa kanila si Allāh samantalang sila ay sumasagabal sa Masjid na Pinakababanal at sila ay hindi naging mga katangkilik Niya? Walang iba ang mga katangkilik Niya kundi ang mga tagapangilag magkasala, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. Al-Anfāl 8:34
Tafsīr:
Aling bagay ang pumipigil sa pagdurusa nila samantalang nakagawa nga sila ng nag-oobliga sa pagdurusa nila dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa Masjid na Pinakababanal na magsagawa ng ṭawāf doon o magdasal doon? Ang mga tagapagtambal ay hindi naging mga katangkilik ni Allāh sapagkat walang iba ang mga katangkilik ni Allāh kundi ang mga tagapangilag magkasala, na nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam nang nag-angkin sila na sila raw ay mga katangkilik Niya gayon sila naman ay hindi mga katangkilik Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 33 Susunod Al-Anfāl • Talata 35