Walang iba ang pagdarasal nila sa tabi ng Bahay [ni Allāh sa Makkah] kundi sipol at palakpak. Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil dati kayong tumatangging sumampalataya. Al-Anfāl 8:35 ⧉
Tafsīr:
Walang iba ang pagdarasal ng mga tagapagtambal sa tabi Masjid na Pinakababanal kundi sipol at palakpak. Kaya lasapin ninyo, O mga tagapagtambal, ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag sa Araw ng Badr dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa Sugo Niya.