Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 36 sa 75 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ لِيَصُدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ فَسَيُنْفِقُونَهَا ثُمَّ تَكُونُ عَلَيْهِمْ حَسْرَةً ثُمَّ يُغْلَبُونَ ۗ وَالَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ جَهَنَّمَ يُحْشَرُونَ 36
Pagsasalin:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay gumugugol ng mga yaman nila upang sumagabal sila sa landas ni Allāh. Kaya gugugol sila ng mga ito, pagkatapos ang mga ito sa kanila ito ay magiging isang hinagpis, pagkatapos madadaig sila. Ang mga tumangging sumampalataya ay tungo sa Impiyerno kakalapin Al-Anfāl 8:36
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay gumugugol ng mga yaman nila para sa pagpigil sa mga tao sa Relihiyon ni Allāh. Kaya gugugol sila ng mga ito at hindi maisasakatuparan para sa kanila ang ninais nila. Pagkatapos ang kahihinatnan ng paggugol nila sa mga yaman nila ay magiging isang pagsisisi dahil sa pagkaalpas ng mga ito at pagkaalpas ng nilayon ng paggugol sa mga ito. Pagkatapos madadaig sila sa pamamagitan ng pagwawagi ng mga mananampalataya laban sa kanila. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay aakayin tungo sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon saka papasok sila roon bilang mga mananatili.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 35 Susunod Al-Anfāl • Talata 37