Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 37 sa 75 • Tagalog


لِيَمِيزَ اللَّهُ الْخَبِيثَ مِنَ الطَّيِّبِ وَيَجْعَلَ الْخَبِيثَ بَعْضَهُ عَلَىٰ بَعْضٍ فَيَرْكُمَهُ جَمِيعًا فَيَجْعَلَهُ فِي جَهَنَّمَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 37
Pagsasalin:
upang magbukod si Allāh sa karima-rimarin mula sa kaaya-aya at maglagay Siya sa karima-rimarim – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba – para magtumpok Siya nito nang lahatan para maglagay Siya nito sa Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi. Al-Anfāl 8:37
Tafsīr:
Aakayin ang mga tagatangging sumampalatayang ito na gumugugol ng mga yaman nila para sa pagsagabal sa landas ni Allāh tungo sa Apoy ng Impiyerno upang ihiwalay ni Allāh ang karima-rimarin na pangkat ng mga tagatangging sumampalataya sa kaaya-ayang pangkat ng mga mananampalataya at upang maglagay Siya sa karima-rimarim na mga tao, mga gawain, at mga yaman – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba na nagkapatung-patong – para maglagay Siya sa mga iyon sa Apoy ng Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sila ay nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 36 Susunod Al-Anfāl • Talata 38