Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 38 sa 75 • Tagalog


قُلْ لِلَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَنْتَهُوا يُغْفَرْ لَهُمْ مَا قَدْ سَلَفَ وَإِنْ يَعُودُوا فَقَدْ مَضَتْ سُنَّتُ الْأَوَّلِينَ 38
Pagsasalin:
Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na at kung manunumbalik sila [sa dati] ay nagdaan na ang kalakaran sa mga sinauna. Al-Anfāl 8:38
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa mga kababayan mo na kung magpipigil sila sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya at sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, magpapatawad si Allāh sa kanila sa anumang nauna na sa mga pagkakasala nila sapagkat ang Islām ay nagwawasak sa nauna roon; at kung manunumbalik sila sa kawalang-pananampalataya nila, nauna na ang kalakaran ni Allāh sa mga sinauna: na sila, kapag nagpasinungaling sila at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya, ay mamadaliin sa kaparusahan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 37 Susunod Al-Anfāl • Talata 39